Wala pang nakikitang pangangailangan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask, sa kabila ng pagtaas muli ng Covid-19 cases sa bansa.
Sa isang panayam sinabi ng Chief Executive na kailangan pag-aralan nito muli.
Ayon sa Pangulo dapat maging masigasig muli sa paghihikayat na magpa bakuna laban sa Covid-19 partikular ang mga kabataan.
Dagdag pa ng Pangulo ang maiinit na panahon sa bansa ang nagiging dahilan sa pagiging vulnerable ng mga ito sa Covid-19.
Naka-antabay din ang Pangulo sa magiging guidance ng Inter-Agency Task Force (IATF) at maging ng Department of Health (DOH).
” Ako ang tinitingnan ko is because, although yung rate of increase lumalaki, ang baseline natin na sinimula eh maliit lang so hopefully we’re still ano, we’re still going to be able to do it,” wika ng Pangulong Marcos Jr.