BAGUIO CITY – Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Baguio City sa pagplano para sa unti-unting pagbalik sa normal ang sitwasyon sa lunsod pagkatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Naniniwala si Mayor Benjamin Magalong na nagawa na ng lokal na pamahalaan ang lahat ng mahahalagang sistema bilang aksyon sa nararanasang krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
Sinabi niyang handa na rin ang lungsod sa post-ECQ plans na gagawin ng nasyonal na pamahalaan.
Ayon sa alkalde, kailangang paghandaan ng lungsod ang posibilidad na pagpapatigil sa ECQ at pagsasagawa ng modified quarantine status para bumalik sa normal ang kalagayan sa iba’t-ibang sektor.
Makikipagpulong si Magalong sa sectoral groups para malaman nito ang mga opinyon ukol sa posibleng pagbubukas muli ng iba’t-ibang sektor pagkatapos ng ECQ.