-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan, na may agency na nag-apply ng permit for filming para sa mga Chinese tourist sa Boracay.

Kasunod ito sa naging usap-usapan kamakailan lamang matapos ibinandera ng isang Chinese tourist ang kanilang bandila sa beach front at sa stage ng Balabag Elementary School.

Ayon kay Acting Mayor Frolibar Bautista, bahagi ito ng promotion sa kanilang bansa.

Wala aniya silang nakikitang ibang motibo sa ginawa ng dayuhan, ngunit hindi rin naman nila masisisi ang ilang mamamayan kung magbigay ang mga ito ng negatibong komento.

Nabatid na walang batas o regulasyon sa isla na nagbabawal sa mga dayuhang turista na mag-display ng kanilang mga watawat.