-- Advertisements --
Duterte and Lorenzana
DND Sec and Pres Duterte/ FB photo

Naipagbigay alam na umano kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nangyaring pagbangga at pagpapalubog ng barko ng China sa bangkang pangisda ng mga Pinoy sa Recto Bank sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sinabi ni Senator-elect Christopher “Bong” Go, nakausap na ng Pangulo si Defense Secretary Delfin Lorenzana hinggil dito.

Kapwa nasa Mindanao kasi ang Presidente at ang kalihim para sa pagdiriwang ng ika-121st Araw ng Kalayaan kung saan nagtungo sila sa bayan ng Malabang sa Lanao del Sur.

Una nang napaulat na lulan ang mga mangingisdang Pinoy ng F/B GIMVER 1 ng ito ay mabangga ng Chinese fishing vessel.

Mariing kinondina ng kalihim ang insidente kung saan matapos ang pangyayari ay iniwan na lamang daw ng Chinese vessel ang nasa 22 Filipino crews.

Buti na lamang daw at tinulungan ng Vietnamese vessel ang mga Pinoy.