CAUAYAN CITY- Nahagip ng CCTV Camera ng barangay Buenavista, Santiago City ang pagbangga ng isang sakay ng motorsiklo at van sa Eugenio Street,
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Santiago City Police Office-Traffic Group Unit, ang tsuper ng motorsiklo na bumangga sa van ay si John Kevin Cogay, 23 anyos, binata, helper at residente ng Nagassican, Santiago City.
Ang tsuper naman ng van ay si Mitz Freen Villacorta, 36 anyos, dalaga at residente ng Brgy. San Andres, Santiago City.
Lumabas sa imbestigasyon ng SCPO-Traffic Group Unit sa tulong ng kuha ng CCTV Camera, binabaybay ng Motorsiklo ang City Road patungong Dela Cruz Street patungo naman ang puting van sa Eugenio Street papapalabas naman ng City Road.
Nang makarating sa Intersection ay bigla na lamang binangga ng mabilis na motorsiklo ang papatawid namang na Puting Van.
Makikitang tinamaan ng motorsiklo ang kanang-gitnang bahagi ng puting van sanhi para matimba ang motorsiklo at mahulog sa daan ang tsuper.
Kitang kita rin na natanggal ang suot na helmet ng tsuper ng motorsiklo at mauwerteng galos at sugat sa katawan lamang ang tinamo nito.
Dahil dito muli namang nagpaalala sa publiko ang SCPO Traffic Group Unit na mag-ingat at ugaliing magmenor sa mga intersection at pakurbadang daan para makaiwas sa posibleng disgrasya.
Nagkasundo naman ang magkabilang panig na hindi na magsasampa ng kaso laban sa isa’t isa.