-- Advertisements --

Nananawagan ang iba pang grupo ng mga manggagawa na marapat na tulungan at tugunan ng mga ahensya ng goyerno na makabawi ang sektor ng agrikultura lalo na ang mga magsasaka at mangingisda na napag-iwanan na dahil sa epekto ng mga kalamidad na nagdaan sa bansa.

Ayon sa Kilusang Mayo Uno chairman Elmer Labog sa panayam ng Bombo Radyo, dapat daw na mas palakasin ang agrikultura ng Pilipinas kaysa sa agrikultura at ekonomiya ng ibang bansa dahil sa kanila nanggagaling ang mga inaangkat tulad na lamang ng bigas na maaari namang manggaling umano dito sa atin.

Dagdag pa niya, isa umano ito sa magiging dahilan ng pag-angat ng produksyon sa agrikultura.

Una rito, umaasa siya at nananawagan sa mga ahensya na tulungan ang mga sektor na ito ukol sa kanilang hanapbuhay dahil isa rin naman daw sila sa pangunahing dahilan ng pag-angat ng ating bansa.
.
Kaugnay niyan, sa panayam naman ng Bombo Radyo kay former Agriculture Secretary Leonardo Montemayor, kumbinsido naman siya sa paunang kilos ng gobyerno na maghatid ng mga binhi at iba pang pananim para sa magsasaka upang makabawi sa pagbagsak ng kanilang produksiyon dahil sa epekto ng nagdaang mga kalamidad sa bansa.

Ito ay ang libreng pamamahagi ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga magsasaka ng subsidies para sa kanilang mga pananim.

Aniya, talagang bumagsak daw kasi ang agrikultura dahil sa pananalasa ng mga nagdaang bagyo. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)