-- Advertisements --
Tiwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na makakabangon na at lalago na ang ekonomiya ng bansa ngayong taon.
Ito ay dahil sinimulan na ng gobyerno ang pagbabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, na dahil sa pag-roll out ng vaccination program ay maaaring maluluwagan na ang community restriction at dadagdagan ang mga edad na papayagan makalabas.
Ipinagtanggol din nito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na babalik na sa normal ang pamumuhay pagdating ng 2023.
Sinabi ng kalihim na maaaring s taong 2023 ay maraming mga Filipino na ang nabakunahan na.