-- Advertisements --
Malaki ang paniniwala ng World Health Organization (WHO) na magiging mabilis ang pagbangon ng ekonomiya sa buong mundo kapag mayroon ng bakuna at maipapamahagi ito sa lahat ng bansa.
Sinabi ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus , sakaling mayroon ng bakuna mula sa anumang bansa ay dapat maipamahagi na ito sa buong mundo para sabay-sabay na bumangon mula sa coronavirus pandemic.
Paglilinaw nito na hindi dapat mag-unahan ang mga bansa sa bansa dahil dapat ito ay ligtas at hindi mapaminsala sa tao.
Magugunitang maraming mga bansa ang nag-uunahan ngayon na gumawa ng bakuna laban sa COVID-19.