-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Mariing kinondena ni Dinagat Islands Gov. Arlene “Kaka” Bag-ao ang pamamaril-patay sa isang board member ng panlalawigang pamahalaan.

Ayon kay provincial government spokesperson Jeff Crisostomo, nakikipag-ugnayan ang kanilang hanay sa pulisya para sa imbestigasyon ng kaso.

Naiparating na rin daw ng gobernadora ang pakikiramay ng kapitolyo naulila ni Wenefredo Olofernes.

Ani Bag-ao, kawalan ang napatay sa opisyal sa kanilang tanggapan kaya kapalit nito ay nangako ang dating kongresista ng agarang paglutas sa krimen.