-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa nangyaring pamamaril sa alkalde ng Tagapul-an, Samar.

Una rito, binaril ng hindi pa makilalang suspek si Tagapul-an, Samar Mayor Vicente Limpiado Jr., habang papalabas ito ng kaniyang farm sa Barangay Sugod ng nasabing bayan.

Napag-alaman na dumating ang gunmen sa bukirin ng alkalde lulan ng sasakyan-pandagat.

Nang makakuha ng tiyempo ay doon na binaril ang biktima na tinamaan sa bandang likod ng kaniyang katawan.

Mabilis na tumakas ang suspek habang agad naman na naisugod sa ospital si Limpiado.

Ayon kay P/Col. Andre Dizon, provincial director ng Samar Police Provincial Office, maraming anggulo silang tinitingnan sa ngayon at isa ay may kinalaman sa politika.

Si Limpiado Jr., ang alkalde ng naturang bayan mula taong 2016.