Ipinagpaliban ang nakatakdang arraignment ng actress na si Neri Naig sa kasong kinakaharap nitong estafa sa Pasay City Regional Trial Court.
Kinumpirma ng kaniyang abogado na dahil sa nakabinbin na mosyon kaya ipinagpaliban ang pagbasa ng hatol.
Unang itinakda ang pagbasa ng sakdal noong Disyembr 3 ng nakaraang taon pero ito ay ipinagpaliban dahil sa hinihintay pa ng korte ang komento sa panig ng prosekusyon.
Naghain kasi ang kampo ni Naig ng motion to quash laban sa kaso.
Sinabi naman ni Prosecutor General Richard Fadullion na dinala na sa Department of Justice ang syndicated estafa laban sa actress para ito ay kanilang masuri.
Depensa naman ng kampo ng actress na endorser lamang siya at hindi direktang sangkot sa operasyon ng dermcare.
Hindi na rin nagbigay ng anumang pahayag ang actress na kasama ang asawang si Chito Miranda.