-- Advertisements --

Nagdesisyon ang Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Branch 282 sa pangunguna ni Presiding Judge Elena Amano na ipagpaliban muna ang pagbasa ng sakdal kay dating Bamban, Mayor Alice Guo na may kinalaman sa kaso nitong Anti-Graft and Corruption Practices Act .

Batay sa desisyon, ipinagpaliban na ito ng Valenzuela RTC sa darating na September 30 ng taong ito.

Pangunahing dahilan ng pagkaantala sa pagbasa ng sakdal ay ang pending motion to quash ng Capas, Tarlac RTC.

Ibig sabihin , inirerekomenda munang mag kumento ang prosecution hinggil sa inihaing petisyon.

Hindi naman natuloy ang paglilipat kay Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory matapos na hindi makumpleto ng PNP ang mga kinakailangang dokumento sa paglilipat nito.

Mananatili muna ang dating alkalde sa custodial center ng PNP sa Camp Crame habang hinihintay na matapos ang buong proseso.