Ipinagpaliban ang pagbasa ng sakdal o arraigment laban sa Chief Executive Officer (CEO) ng Rappler na si Maria Ressa kaugnay sa kinahaharap nitong kasong cyber libel.
Hiniling kasi ni Ressa sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 na maghain ng motion for reconsideration sa nabasurang motion to quash na inihain ng kanilang online news site laban sa cyberlibel na inihain naman ng negosyanteng si Wilfredo Keng.
Sa dalawang pahinang order na pirmado ni Manila RTC Branch 46 Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa, ibinasura ang hirit ng Rappler dahil sa kawalan ng merito.
Kaugnay nito, binigyan ng hukuman si Ressa ng hanggang Abril 26 para makapaghain ng kanilang motion for reconsideration.
Ayon naman sa abogado ni Keng, isasagawa ang arraignment sa May 17.
Nag-ugat ang reklamo sa artikulo ng Rappler na inilabas noong 2012 at na-update noong 2014.