-- Advertisements --

Itinakda ng Pasay City Regional Trial Court sa Enero 9, 2025 ang pagbasa ng sakdal sa actress na si Neri Naig.

Kasunod ito sa paghain ng abogado niya ng motion to quash sa mga kasong inihain sa actress.

Itinakda sana noong Nobyembre 28, 2024 ang arraignment dahil sa hirit ng kampo ng actress ay inilipat na lamang nila ito.

Pinagsusumite rin ng korte ng komento ang piskalya at maging ang Securities and Exchange Commission (SEC) kaugnayng motion.

Sa panig ng mga biktima sinabi ni Atty. Roberto Labe na nagalak ang mga ito ng mabalitaang naaresto ang actress.

Aabot kasi sa P89 milyon ang nakuha umano sa 39 na mga investros ng Dermacare na iniindorso ng actress.