-- Advertisements --

Itinuturing na blessing in disguise ng kampo ni Sen. Antonio Trillanes IV ang naging aksyon ng Court of Appeals (CA) sa kanilang kaso.

Ito’y sa kabila ng pagkakabasura ng CA sa hiling na temporary restraining order (TRO) sa pag-usad ng lumang rebellion case sa Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150.

Ayon sa abogado ni Trillanes na si Atty. Reynaldo Robles, nagpapasalamat sila dahil sa mabilis na pagtugon ng appellate court.

Hindi rin aniya lubhang kailangan ngayon na i-TRO ang proseso ng lower court dahil ipinagpaliban naman ang hearing.

Itinakda ang pagpapatuloy ng pag-usad nito sa Mayo 27, 2019 dahil sa conflict of schedule.

Umaasa pa rin ang panig ng senador na aaksyon ang CA kapag kinailangan na ang pasya ng mga mahistrado ukol sa lumang kaso na binuhay makalipas ang halos isang dekada.

“We are thankful that the Court of Appeals has reportedly acted on our Petition for Certiorari by requiring the Respondent Court, RTC of Makati – Branch 150 to comment thereon. While we note that the Honorable Court has in the “in the meantime” decided to deny our application for a temporary restraining order (TRO) or injunctive relief, the same does not appear to be necessary at this time in the light of the recent ruling of the RTC of Makati – Branch 150 to defer the hearing of the rebellion case to May 27, 2019 due to conflict of schedule. We will evaluate whether or not there is a need to apply for injunctive relief when the time comes, after the respondents in the case shall have filed their comments. We are hoping that the Honorable Court of Appeals will already be in a position to rule on the merits of said application at that time, after hearing the parties in that regard. We are hopeful that the Honorable Court of Appeals will eventually uphold the merit of our Petition in due time,” wika ni Robles.