Isang akusasyon sa judicial system ng bansa ang pagtanggi ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber sa apela ng gobyerno ng Pilipinas na suspindihin ang imbestigasyon sa drug war ng administrasyong Duterte, ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra.
Ayon kay Guevara, ang desisyon na ito ay magkakaroon ng maraming kahihinatnan para sa Pilipinas.
Sa pagtanggi sa apela ng Pilipinas, sinabi ng ICC Appeals Chamber na nabigo ang gobyerno na ipaliwanag ang kawalan ng hurisdiksyon ng Korte o magbigay ng paliwanag sa mga implikasyon at saklaw ng imbestigasyon.
Ipinunto rin nito na ang lokal na imbestigasyon ay maaaring magpatuloy kahit na sa isinasagawang imbestigasyon ng ICC.
Nauna rito, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi maaaring pumasok ang ICC sa Pilipinas para imbestigahan ang war on drugs at magpataw ng ibang rule of law.
Ang Pilipinas ay umatras sa Rome Statute, sa ilalim ng pamumuno ng noo’y Pangulong Rodrigo Duterte.
Noong Enero, pinahintulutan ng ICC ang muling pagbubukas ng isang pagsisiyasat sa war on drugs ni dating Pang. Duterte, na isang hakbang na hindi tinanggap ng mga awtoridad ng Pilipinas at inilarawan noon ni Justic Sec. Remulla bilang isang “irritant.”