-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Malaking tulong ngayon kay dating United States President Donald Trump ang pagbasura ng US Supreme Court sa hiling ng iilang mga estado na tanggalin na siya mula sa balota para sa general election ngayong Nobyembre.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent Ferdinand Nakila na malaking tulong ito ay Trump ngayong Super Tuesday, kungsaan ang mga partido sa bawat-estado ay magno-nominate ng kandidatong nais nilang magiging pambato pagka-pangulo sa presidential elections.

Nilinaw ni Nakila na sa 16 mga estadong kasama sa primary elections, lima ang nais na hindi na siya isama sa eleksyon kung kaya’t nagdiriwang ang mga supporters ni Trump sa desisyon ng Korte Suprema.