Pinagtibay ng Supreme Court na ang amnestiya na ibinigay kay dating senator Antonio Trillanex IV ay may bisa.
Sa en banc desisyon ng Korte Suprema na kanilang ibinasura ang Proclamation 527 na inilabas noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Associate Justice Maria Filomena Singh, na hindi maaaring ipawalang bisa ng isang pangulo ang amnestiya ng hindi inaaprubahan ng kongreso.
Mangingibabaw pa rin dito ang Bill of Rights na marapat sumunod sa batas maging ang pangulo ng bansa.
Iginiit pa ng mahistrado na ang pagtanggal ng amnestiya sa dating senador ay paglabag sa kaniyang constitutional right to due process.
Mayroon aniyang sapat na ebidensiya rin na naghain ng kaniyang amnestiya si Trillanes.
Magugunitang nag-aklas si Trillanes noong aktibo pa ito sa sundalo sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Taong 2011 ng mabigyan siya ng amnestiya sa kinakaharap nitong sedition at pag-aklas noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.