-- Advertisements --

COTABATO CITY – “Right decision” umano ang ginagawang pagbasura ng Commission on Elections (Comelec0 sa inihaing Election Protest ni Former Cotabato City Mayor Frances Cynthia Guiani Sayadi laban sa mga kaupong opisyal sa Cotabato City.

Ito ang sinabi ni Cotabato City Vice Mayor Joharie “Butch” Abu sa naging panayam ng 93.7 Star FM Cotabato kasabay ng paglunsad nito ng kanyang help desk sa Cotabato City.

“Una, siyempre magandang balita ‘yan dahil alam naman ng taong bayan ang katotohanan sa (nangyari) at naging resultion nitong previous election. Sa tingin ko, right direction ang naging decision ng Comelec at nagpapatunay lamang na, kami ni Mayor Bruce kasama yung mga nanalo, mga councilors na talagang naging malinis ang halalan 2022,” ani Vice Mayor Abu.

Samantala, naging matagumpay naman ang paglunsad ng Vice Mayor’s Help desk, kung saan nakapag serbisyo ito ng daan-daang mga residente ng Cotabato City.