-- Advertisements --

Pormal nang ibinasura ng Hong Kong government ang pagpapatupad nito ng extradition bill sa lungsod kung saan ipapadala ang mga kriminal sa mainland China upang doon litisin.

Ngunit ayon sa ilang mambabatas, sa kabila umano nang pagsusumikap ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam na sundin ang demands ng mga demonstrador ay hindi pa rin daw ito sapat upang matigil ang kaguluhan sa lungsod.

Ayon kay Lam, hindi na raw sakop ng kaniyang kakayahan ang apat pang demands ng mga raliyista tulad na lamang ng universal suffrade at pagbibigay amnestiya sa lahat ng kinasuhan dahil sa panggugulo.

Base naman sa mga naglabasang impormasyon ay may iniluluto nang plano si Chinese President Xi Jinping na palitan si Lam ng isang “interim” chief executive.

Ilan umano sa mga pinagpipilian na papalit sa posisyon ni Lam bilang pinuno ng Hong Kong ay sina Norman Chan, former head ng Hong Kong Monetary Authority at Henry Tang na dating nagsilbi bilang financial secretary at chief secretary ng administrasyon.