Itinuturing na temporary setback ng pambansang pulisya ang pagkakabasura sa kaso na kanilang isinampa laban sa umano’y mga drug lords na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at 20 iba pa.
Aminado si PNP spokesperson C/Supt. John Bulalacao, magdudulot ito ng temporary setback sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga lalo na at ito ay major campaign ng pamahalaan.
Kaya nalulungkot ngayon ang PNP sa kahihinatnan ng kaso, bagamat hindi pa naman ito final dahil naghain sila ng motion for reconsideration at hiniling ang automatic review sa kaso.
Sinabi ni Bulalacao na hindi sila susuko at ipupursue nila ang kaso laban sa mga nasabing personalidad na itinuturing na mga high value targets sa illegal drugs.
“Yeah, this is just a temporary setback kaya nga kami nalulungkot pero just the same we will pursue this case and alam naman kasi natin na this is a major campaign of the govt kaya, sa ating illegal drugs, and these people are primary, I mean they are primary players and high value targets on illegal drugs kaya kailangan gumawa kami ng paraan para talagang magkaroon ng linaw itong kaso na ito, as much as possible maano sila, maconvict as much as possible,” pahayag pa ni Bulalacao.
Bagamat tinatanggap ng PNP wisdom sa naging desisyon ng DOJ, hindi naman ito katanggap tanggap sa PNP na mahina ang kanilang mga inihaing ebidensiya laban sa mga nasabing alleged drug personalities.
“The dismissal of the case filed against Peter Lim, Kerwin Espinosa and 20 others should be considered as a temporary setback. It’s not yet final because the CIDG has filed a motion for reconsideration for the Secretary DOJ to conduct the review. Our legal teams and investigators are identifying additional witnesses and are collecting more pieces of evidence for the possible refiling of the case,” mensahe pa ni Bulalacao.