-- Advertisements --
Pacquiao student ID

Umani nang paghanga sa ilang mga fans si Senator Manny Pacquiao na sa kabila ng katayuan at yaman sa buhay ay ‘di pa rin tumitigil sa pag-aaral.

Ito ay kasunod nang pag-post ni Pacquiao, 40, sa kanyang social media account ng kanyang school ID.

Nakalagay dito ang mga katagang “I am proud student of the University of Makati.”

May student ID ito na N1190020.

Kalakip ng post ni Pacquiao ang mga salitang, “Never stop learning because life never stops teaching.”

Sinasabing kumukuha ng program na AB political science in local government administration sa naturang unibersidad ang fighting senator.

Kung maaalala elementary education lamang ang natapos ni Manny dahil sa kahirapan sa buhay.

Noong February 2007 ay nagtapos siya ng high school equivalency exam sa Department of Education para gawaran siya ng high school diploma.

Nag-enroll din siya noon sa business management course sa Notre Dame of Dadiangas University na nasa General Santos City.

Isa sa bumati kay Pacman ay si Jan Maya Dumalag sa Twitter.

“Thank you for being an inspiration to millions of people around the world. You showed us that with God’s Grace nothing is impossible. More power to you and your family!”

qwertyuiop
@pin0ydefender
“You are the best person to ever be in the Philippine Senate. I pray for you Sen. Mammy. May you continue to serve the country well for a long time.”

GiaceyMaia
@GiaceyMaia
“You really never fail the filipino people @MannyPacquiao .. Salute to you!”

RafLegend
@RafLegend193
“Never stop learning and never stop looking for great examples.”