-- Advertisements --
Scarlett and Colin
Scarlett and Colin

Binati ng kanilang mga kapwa artista ang pagiging engaged nina Scarlett Johansson at Colin Jost.

Kinumpirma ito ng kampo ng actress matapos ang mahigit na dalawang taon na relasyon ng dalawa.

Hindi naman binanggit nito ang petsa ng kanilang kasal.

Ito na ang pangatlong pagpapakasal ni Scarlett na unang ikinasal kay Ryan Reynolds mula 2008 hanggang 2011 at sa journalist Romain Dauriac habang ito naman ang unang beses na pagpapakasal ni Colin.