-- Advertisements --
angel locsin
Angel Locsin

Napabilang ang actress na si Angel Locsin sa taunang listahan ng Forbes “Heroes of Philanthropy”.

Ayon sa Forbes, na kanilang binibigyang pagkilala ang mga bilyonaryo, negosyante at mga artista sa Asia-Pacific region na tumutulong sa mga mahihirap.

Nakita kasi ng Forbes ang pagbibigay nito ng donasyon na aabot sa P1 million sa mga biktima ng lindol noong nakaraang mga buwan.

Kabilang din dito ang pagtulong niya sa mga biktima ng mga teroristang grupo sa Marawi City.

Dagdag pa ng Forbes na mula sa nakaraang 10 taon ay aabot na sa P15 million ang kaniyang napag-aral at mahigit 500 pamilya ang natulungan na nabiktima ng iba’t-ibang mga malalakas na bagyo sa bansa.

Binati naman ito ng kapwa artista at maging ang mga fans ng tinaguriang “Darna” ay nagpaabot ng pagbati sa kani-kanilang mga social media.