-- Advertisements --

Bumuhos ang pagbati kay US President Donald Trump matapos ang kaniyang panunumpa bilang ika-47 pangulo ng Estados Unidos.

Nanguna ang King Charles III na nagpaabot ng pagbati matapos ang panunumpa ni Trump.

Umaasa ito na magiging mas lalong mahigpit pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa usapin ng ekonomiya.

Inihayag naman ni Palestinian Authority President Mahmoud Abbas na handa silang makatrbaho si Trump para makamit ang tunay na kapayapaan.

Personal na dumalo si Italian Prime Minister Giorgia Meloni at binati niya si Trump kung saan handa itong tumulong para mapaisa ang pag-uusap ng US at Europa.

Plano naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na personal na bisitahin si Trump.

Ayon sa kaniya na handa maaring pag-usapan nila ang maging normal ang relasyon ng dalawang bansa ganun din ang ceasefire deal sa Hamas.

Naniniwala naman si North Atlantic Treaty Organization (NATO) Secretary General Mark Rutte na mapapalakas ang defense spending at production dahil sa pag-upo ni Trump.

Tinawag naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ang panunumpa ni Trump bilang araw ng pagbabago at pag-asa.

Tiwala ito na mareresolba na ang anumang problema at hamon sa mundo dahil sa pag-upo ni Trump.