-- Advertisements --

Bumuhos ang pagbati sa mula sa kaniyang mga fans at kapwa artista sa pagdiriwang ng ika-90 kaarawan ng beteranong actor na si Sean Connery.

Isinilang kasi noong Agosto 25, 1930 sa Edinburgh, Scotland ang actor.

Siya ang kauna-unahang gumanap na James Bond sa pamamagitan ng “Dr. No” noong 1962.

Umabot sa pitong James Bond movie ang pinagbidahan nito.

nakasama rin ang actor sa 1964 classic film na “Marnie” at ang 1987 na “The Untouchables” kung saan nanalo ito bilang best supporting actor sa Oscars.

Taong 2012 ng napabilang ang boses nito sa animated film na “Sir Billi”.