-- Advertisements --

Bumuhos ang pagbati sa mula sa mga fans at kapwa artista matapos ang pag-iisang dibdib ng actress na si Angel Locsin at nobyong Neil Arce.

Nitong Sabado ay ipinahagi ng actress ang mga larawan mula sa civil wedding ng dalaw.

Nagsimula ang pag-amin ng dalawa sa isang vlog na habang naglilipat bahay at sa dulo nito ay doon inamin ng dalawa na sila ay kasal na.

Naganap ang civil wedding sa Taguig City bago ipatupad ang enhanced community quarantine sa National Capital Region.

Dinaluhan ng 10 katao lamang kung saan mismo si Taguig Mayor Lino Cayetano ang nangasiwa ng kasal ng dalawa.

Magugunitang tatlong taon ng magkarelasyon ang dalawa at noong June 2019 ay engaged na ang dalawa.

November 8 pa sana ang planong kasal ng dalawa subalit hindi natuloy dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi naman ni Arce na itutuloy ang kasal sa simbahan ngayong taon basta gumanda ang sitwasyon.