-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuhos ng pagbati matapos na makakahakot ng kabuuang apat na gintong medalya at dalawang silver medals ang kapatid ni 2-time gold medalist Carlos Yulo na si Karl Jahrel Eldrew Yulo.

Kabilang kasi ang nakakabatang Yulo sa ginanap na 3rd JRC Artistic Gymnastics Stars Championships kung saan ang Pilipinas ay mayroon kabuuang 21 Golds, 9 silvers at apat na bronze medals.

Nakakuha si Yulo ng apat na gold medals sa mga kategorya ng still rings, vault, floor exercise, Individual All-Around at silver naman sa parallel bars.

Dahil dito ay maraming mga Pinoy ang nagsasabing hindi malayong magagawa din niya ang tagumpay ng kaniyang kapatid sa Olympics.

Una ng sinabi ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na isasama nila Yulo sa listahan na isasabak sa 2028 Los Angeles Olympics.