-- Advertisements --
Bumuhos ang pagbati matapos ang magwagi ang pambato ng bansa sa Miss International Queen 2022 na si Fuschia Anne Raven.
Ginanap ito sa Thailand na tinaguriang pinakamalaki at pinakasikat sa buong mundo.
Tinalo ng 27-anyos na negosyante ang 22 iba pang mga contestants para makuha ang korona.
Halos dalawang taon na hindi natuloy ang pageant dahil sa COVID-19 pandemic.
Mahigit 10 taon na itong nasimulan kung saan layon nito na tulungan ang mga transgender na mga transgender na mayroong damdaming babae.
Mula sa kaniyang mga malapit na kaibigan at ilang showbiz personalities at beauty queens ay nagpaabot na pagbati kay Raven.