-- Advertisements --
Bumuhos ang pagbati sa naging panalo ni Johnriel “Quadro Alasa” Casimero ng talunin si Zolani Tete ng South Africa at makuha ang WBO World Championship sa Arena Birmingham sa United Kingdom.
Napatumba ng Ormoc-Leyte native ang kalaban sa kalagitnaan ng third round sa pamamagitan ng pagdapo ng kaniyang solid na kanang suntok sa ulo nito.
Nagawa pang tumayo ni Tete subalit pinaulanan ito ng suntok ni Casimero at hindi na ito nakaporma pa.
Ito ang pang-limang sunod na panalo ng 30-anyos na Pinoy boxer na mayroong record na 29 panalo at apat na talo na may 20 knock outs.