-- Advertisements --
westley So
westley So

Bumuhos ang pagbati sa Pinoy chess super grandmaster na si Wesley So matapos na magkampeon sa kauna-unahang World Fischer Random Chess Championship na ginanap sa Henie Onstad Art Center sa Norway.

Maraming pinabilib si Wesley na ngayon ay naglalaro na sa ilalim ng bandila ng Amerika, dahil sa makasaysayang torneyo na unang isinagawa.

Nakabanggaan kasi ni So sa finals showdown ang kasalukuyang world chess champion mula sa Norway, ang world’s No. 1 na si Magnus Carlsen.

Maging si Wesley na ranked No. 14 sa buong mundo ay nasorpesa rin sa kanyang panalo.

Ang 26-anyos na si So, tubong Bacoor, Cavite.

Ang big upset na naitala ni So ay lalong naging makasaysayan dahil tinalo niya si Carlsen sa harap mismo ng kanyang mga kababayan.

Maging si Magnus ay binati rin si Wesley at aminadong “masama” talaga ang kanyang mga inilaro.

Ang Fischer Random Chess ay inimbento ng yumaong chess genuis na si US Grandmaster Bobby Fisher.

Ito ay kakaiba sa sikat na standard chess.

Samantala, kabilang naman sa kilalang naglalaro at nagsusulong ng Fischer Random ay ang tinaguriang first Asia’s grandmaster ay si Eugene Torre.

Si Torre ay isa sa best friend noong buhay pa si Fisher.