-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Sabay na nagmartsa ang magkakapatid na sina Manny, Ruel at Bobby Pacquiao sa pagtatapos sa graduate study major in Public Administration sa Philippine Christian University (PCU).

Magkasama ang tatlo sa pagkuha ng kanilang sertipiko at litrato.

Makikita sa litrato si ex-Sen. Manny na kasama ang maybahay na si Jinkee habang ang kapatid nitong si Sarangani Governor Ruel ay kasama ang misis nito.

Habang si ex-OFW Family Party-list Rep. Bobby naman ay kasama ang kanyang misis na alkalde ngayon ng General Santos City na si Lorelie.

Sa mensahe ng boxing icon sinabi nito na masaya na nakasama sa pambihirang pagkakataon sa pagtatapos ang dalawa nitong kapatid.

Pinasalamatan nito ang maybahay nito, mga anak pati ang ina na si Dionesia sa natamong tagumpay.

Bumuhos naman ang pagbati para sa magkakapatid na Pacquiao mula sa mga netizens.