-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuhos ng pagbati sa Gilas Pilipinas matapos na masungkit nila ang gintong medalya sa 19th Asian Games ng talunin ang Jordan 70-60.

Itinuturing na makasaysayan ang panalo na ito ng Gilas Pilipinas dahil sa loob ng 61 taon ay ngayon lamang sila nakakuha ng gintong medalya sa ASIAD basketball.

Ilan sa mga bumati ay mga opisyal ng gobyerno kung saan idinaan ang pagbati sa mga social media nila.

Bukod pa dito ay bumati rin ang mga dating Gilas Pilipinas players na sina Chris Tiu, Gabe Norwood at Ranidel De Ocampo na bahagi noon ng 2014 FIBA World Cup.

Hindi rin nagpahuli sa pagbati ang nagbitiw na Gilas coach na si Chot Reyes kung saan nagpost ito sa kaniyang social media account ang larawan nila ng kasalukuyang coach na si Tim Cone at binati niiya ang nasabing koponan.

Ang gintong medalya na ito ay siyang pang-apat na gold medal na nakamit ng Pilipinas na una ay mula kay pole vaulte EJ Obiena at ang dalawa ay mula sa mga jiu-jitsu fighter na sina Meggie Ochoa at Annie Ramirez.