CAGAYAN DE ORO CITY – Maaring makapag-patalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte sa katungkulan ang kanyang pagpapalabas ng kautusan na pinagbawalan ang cabinet secretaries na tumugon sa mga imbitasyon kung kinakailangan katulad sa ginawa na imbestigasyon ng isang komitiba sa Senado.
Ito ang opinyong legal ng kilalang political analyst na si Atty Antonio La Viña kaugnay sa umano’y pagiging ‘unconstitutional’ o labag sa Saligang Batas ang pagpigil ni Duterte sa mga kalihim nito na dumala sa mga pagpapatawag ng co-equal branch na senado kung saan kasalukuyang pinipiga ang mga personalidad na nasangkot sa suspected overpriced COVID-19 medical procurement ng gobyerno sa kompanyang Pharmaly Pharmaceuticals Corporation.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihaya ni La Viña bagamat matibay na basehan para sa impeachment case laban ni Duterte ang patuloy na sigalot ng tanggapang ehekutibo at senado subalit maaring mas pinili ng mga kalaban ng Malakanyang na hindi na ito gagawin dahil patapos na ang kasalukuyang administrasyon.
Iginiit nito na maaring hindi lamang makadalo ang mga kalihim ni Duterte kung ma-invoke ang executve privilege subalit hindi ito napapanahon dahil usaping kurapsyon ang sentro ng imbestigasyon.
Samantala,kinontra naman ng local political analyst na si Atty Antonio Soriano ang ipinagigiitan na unconstitutional ang hakbang ni Duterte.
Sinabi ni Soriano na hindi na isyu ang imbestigasyon subalit ang ipinakitang ugali at galaw na ng mga senador na tila mga prosecutor o piskal na dahilan na nahaharas na ang resource personalities.
Ipinaalala nito na nag-imbita ang mga senador ng resource personalities upang punan ang kulang na impormasyon na magagamit nila para makagawa ng mga panukalang batas subalit hindi para ipahiya ang mga ito sa harap ng publiko.
Ito ang dahilan na kinontra nito ang nagsasabi na labag sa Saliganga Batas ang pagbigay proteksyon ni Duterte laban sa harassment at panghihiya na naranasan ng ilang cabinet secretaries mula sa mga senado