-- Advertisements --

Mahigpit ang naging babala ni Manila Mayor Franciso Isko Moreno Domagoso sa mga establishimento na nagpapainom sa mga pampublikong lugar.

Ito ang nakasaad sa Ordinance 5555 kung saan walang exception maging sila ay mga pulis o opisyal ng gobyerno.

Inatasan din ng alkalde sina Manila Police Districtt Deputy District Director Col. Narciso Domingo at Bureau of Permits Director Levi Facundo.

Isang pinuntirya ng alkalde ay ang mga punerarya kung saan kapag may lamay ay hinahayaan nilang magpainom ang mga nakikilamay sa gilid ng kalsada.

Banta pa ng alkalde na kapag siya ay umikot at may nahuling lumabag ay kaniyang tatangalin sa puwesto ang mga precint commander na nakakasakop sa lugar.

Binigyang halaga nito na ang trabaho ng mga kapulisan ng Maynila ay magpatupad ng ordinansa.

Hindi rin isinantabi ng alkalde ang banta ng COVID-19 kung saan mayroong 417 active cases pa rin sa nasabing lungsod.