Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pagbabawal sa paggamit ng mga plastics sa buong bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ang binanggit ng pangulo sa 43rd Cabinet meeting ng napag-usapan ang isyu tungkol sa climate change.
Iminungkahi rin ng Pangulo na kailangang magpasa ng batas bago tuluyang ipatupad ang tuluyang pagbabawal ng paggamit ng plastic.
Nauna rito, maraming mga panukalang batas ang nakabinbin sa kongreso na tumatalakay sa pagbabawal ng paggamit ng plastic.
Isa na rito ang Senate Bill 40 ni Senator Francis Pangilinan na nagbabawal sa importation, manufacture at paggamit ng mga single-use plastics.
Gayundin ang Senate Bill 333 o Single-Use plastic Product Regulation Act of 2019 ni Senator Cynthia Villar.