-- Advertisements --
Inaasahan na ng ilang opisyal ng US military na aatasan sila ni President Donald Trump para sa tuluyang pag-alis nila sa Afghanistan at Iraq.
Ito ay kapag matapos na ang termino ng US President pagdating ng Enero 2021.
Inabisuhan na rin ng Pentagon ang mga commanders na simulan na bawasan sa 2,500 ang mga sundalo sa Afghanistan at 2,500 na sundalo rin sa Iraq sa Enero 15.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroong 4,500 na mga sundalo sa Afghanistan at 3,000 na sundalo naman sa Iraq.