Kinontra ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang pagbawas sa pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa susunod na taon.
Sinabi nito na maaring samantalahin ng mga rebeldeng grupo ang pagkakataon kapag binawasan nila ang pondo ng nasabing ahensiya.
Dagdag pa ng senador na ang NTF-ELCAC ay isang uri ng “game changer” para matugunan ang exploitation na ginagawa ng mga Communist Party of the Philippines-CPP-NPA sa iba’t-ibang lugar ng bansa.
Magugunitang sinabi ni Senate finance committee chair Sen. Sonny Angara na nanganganib na matapyasan ng P24-bilyon na budget cut sa susunod na taon ang NTF-ELCAC dahil sa bigo itong ipaliwanag kung saan nila nagastos ang P16 bilyon na inilaan para sa pagtulong sa mga iba’t-ibang mga lugar sa bansa.