-- Advertisements --

Ipinaliwanag ni Finance Secretary Ralph Recto na may magandang kahinatnan ang bagong polisiya sa pagbabawas ng taripa sa mga imported na bigas.

Sinabi nito, na ang nasabing polisiya ay siyang magpapababa ng retail price ng bigas ng hanggang P5 kada kilo.

Sa kabila din ito ay maiibsan ang inflation sa bansa.

Inihalimbawa nito na sa pamamagitan ng pagabawas ng taripa ng imported na bigas mula 35 percent hanggang 15 percent ay asahan ang nasa 10 percent na bawas sa mga presyo ng bigas.