-- Advertisements --

Itinuturing ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na isang malaking hamon ang pagbabalik sigla ng ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na hindi agad na makakabangon ang ekonomiya ng bansa hanggang nandiyan pa ang COVID-19.

Bago kasi ang COVID-19 pandemic ay nasa magandang posisyon ang ekonomiya ng bansa.

Tiniyak nito na patuloy ang kanilang gagawing pagmonitor sa mga pangyayari gaya ng pag-aaral sa impact ng inflation, financial stability and growth.