Wala umanong itatakdang time frame ang pamunuan ng PBA kung kailan nila babawiin ang ipinataw na indefinite suspension kay Phoenix Pulse forward Calvin Abueva.
Paliwanag ni PBA Commissioner Willie Marcial, nakadepende raw ang lahat sa kung paano at kailan hihingi ng tawad si Abueva sa lahat ng kanyang naagrabyado, kabilang na si TNT import Terrence Jones.
Isa rin sa titingnan ng liga ay kung magbabago ang 31-anyos na si Abueva kasunod ng insidente.
Ayon pa kay Marcial, ang ibinagsak na indefinite suspension kay Abueva ay magsisilbing babala sa iba pang players na kumilos bilang professional athletes at magpakita ng magandang asal sa mga tagahanga.
Samantala, sinabi naman ng Phoenix na umaasa sila na ang ibinabang hatol ng PBA kay Abueva ay magiging batayan ng liga sa mga kahalintulad na insidente sa hinaharap, sinuman ang masangkot na mga players.
“Just expect and hope that incidents like this in the future will be treated similarly and decided the same manner regardless of the player involved,†bahagi ng pahayag ng team.
“This is already a decision precedent that should be used as basis in deciding similar infractions.â€
Matatandaang sa desisyon ni Marcial, ipinataw kay Abueva ang isang indefinite suspension maliban pa ang multang P70,000 dahil sa dalawang insidenteng kanyang kinasangkutan sa laro ng TNT at Phoenix noong Linggo.