Nagpahayag ng galit at pagkadismaya ang ilang American military personnel at defense officials matapos tanggihan ng Trump administration na suportahan ang Syrian Kurds na ngayon ay nakikipag-sagupaan sa Turkish military.
Hindi umano nila ikinatuwa kung papaano pinangasiwaan ni US President Donald Trump ang naturang sitwasyon.
Ayon sa mga ito, ang kapalpakan umano ni Trump na harangin ang pwersa ng Turkey sa Syria ay nagsilbi raw green light para lumusob ang Turksih military.
Nahihiya umano ang mga ito dahil sa aksyon ng Estados Unidos na tila tinalikuran ang kanilang responsibilidad na pangalagaan ang Syria.
Nangangamba rin daw sila na baka wala nang potential partners ang mawawalan ng tiwala sa United States sa mga darating pa na pagkakataon.