-- Advertisements --
Pinag-aaralan umano ng Malacañang ang pagbawi ng kontrol at pangangasiwa ng distribusyon ng tubig sa Metro Manila at karatig-lalawigan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, isa ito sa mga ikinokonsidera ng gobyerno para maresolba ang problema ng supply sa tubig.
Ayon kay Sec. Panelo, bukas sila sa posibilidad na ibasura ang privatization contract sa dalawang concessionaires na Maynilad at Manila Water.
Sa oras na mangyari ito, gobyerno na ang magpapatakbo sa mga water gaya noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.