VIGAN CITY – Ipinag-utos na ni Ilocos Sur Governor Jerremias “Jerry” Singson ang pagbawi sa suspensyon ng mga trabaho sa parehong pampubliko at pribadong sektor sa lalawigan matapos ang naitalang magnitude 7 na lindol dito sa Northern Luzon noong araw ng Miyerkules.
Nakasaad sa Executive Order 10 ng gobernador ang pagrerekomenda ng indefinite suspension sa trabaho sa mga naturang sektor sa lalawigan dahil mayroon nang asessement at evaluation sa umano’y kaligtasan ng mga iba’t-ibang establisimiyento.
Magmula kahapon, July 29 hanggang bukas, July 31 ay maaari nang makapagpatuloy sa operasyon ang mga business establishments sa lalawigan ngunit ito’y sa pamamagitan muna ng skeleton workforce kung ang mga istruktura, gusali at iba pang mga workplaces ay masesertipikahang “physically fit” para sa mga work activities habang sa Agosto 1 naman ay maaari na ang 100 percent on-site capacity operation ng mga ito.
Gayunman, ang Provincial Engineering Office, sa pamamagitan ng pakikipagtulongan nila sa mga municipal at city engineering offices ay naabisuhan naman na ipagpatuloy ang inspection at assessment sa kalagayan ng mga gusali at iba pang istruktura upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Aabot naman sa siamnapu’t apat na istruktura ang kabilang sa partial-list assessed structure ng Office of the City Engineer sa siudad ng Vigan na maaari nang makapagbalik sa kanilang operasyon.