Masusi na rin umanong pinag-aaralan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ang pagbawi ng travel ban sa Macau dahil pa rin sa isyu ng corona virus disease (COVID-19).
Kasunod na rin ito ng pagbawi sa travel ban sa Taiwan kahapon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pag-aaralan na raw ng Inter-Agency Task Force ang kondisyon sa iba pang mga lugar kabilang ang Macau hinggil sa posibilidad na pagbawi na rin ng travel ban.
Kahapon nang bawiin na ang travel ban sa bansang Taiwan dahil pa rin sa COVID-19.
Ayon kay Panelo, ang pagbawi sa ban ay napagpasyahan ng Inter-Agency Task Force ay dahil mayroon namang istriktong measures na ipinatutupad ang Taiwan at may mga protocols para matugunan ang COVID-19.
Dahil dito, maari na muling makabiyahe anuman ang nationality mula Pilipinas patungong Taiwan at mula Taiwan pabalik ng Pilipinas.