-- Advertisements --

Hanggang sa buwan ng Agosto na lamang magbebenta ng mga murang bigas ng National Food Authority (NFA) ang Department of Agriculture (DA).

Kasunod ito ng tuluyan ng natapos ang implementing rules and regulations (IRR) ng rice tariffication law na naglilimita sa NFA na kumuha ng mga buffer stock na bigas para sa mga kalamidad.

Depensa naman ni DA Secretary Manny Piñol, na kukuha sila ng mga bigas mula sa mga lokal na magsasaka na ibebenta ng NFA sa buwan ng Setyembre.

Hindi naman ipinaliwanag ng kalihim ang magiging presyuhan nito sa palengke.