-- Advertisements --

Posibleng simulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng mas murang bigas sa susunod na linggo.

Ang naturang proyekto ay nakapaloob sa Rice-For-All Program na kaiba pa sa P29 na bigas na unang sinimulan ng ahensiya at mabibili lamang ng mga kwalipikadong mga konsyumer.

Ayon kay Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, pinaplantsa na lamang ng ahensiya ang ilang mga detalye bago ito tuluyang ilunsad para sa general public.

Batay sa inisyal ding plano ng DA, posibleng ilalabas din ang mga bigas sa mga Kadiwa outlet, katulad ng bigas-29.

Ang isusuply dito ay mangagaling sa iba’t-ibang mga stakeholders ng DA katulad ng mga kooperatiba at mga trader.

Target na maibenta ang mga naturang bigas sa presyong P45 hanggang P48 kada kilo.

Kung masimulan na ito aniya, maaari nang bumili ang publiko ng hanggang sa 25 kilos ng bigas sa mga outlet. Ang kalidad ng mga naturang bigas ay katulad ng well-milled rice.