Una na ngang namahagi ng 1000 sako ng National Food Authority (NFA) buffer stocks ang lokal na pamahalaan ng San Juan City bilang bahagi pa rin ng food security emergency for rice na inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) nitong unang linggo ng Pebrero.
Ayon kay San Juan City Mayor at Metro Manila Council President Francis Zamora, ito pa lamang ang unang 1000 sakong allocated sa kanilang siyudad kung saan per sako ang naging bentahan nito na nasa P1,650.00 mabibili ng publiko.
Ang naging siste kasi ng San Juan local governmen unit ay nagsagawa muna sila ng pre-registration tatlong araw ng nakalilipas upang maibenta ang paunang 1000 sako na ito at tsaka nagrequest muli ng panibagong set para naman sa 2nd batch ng bentahan dito.
Dahil dito kita naman aniya na tinatangkilik ng kanilang mga nasasakupan ang pagbebenta ng NFA rice kada sako. Sa kabilang banda naman, hindi naman isinasara ng Mayor ang oprtunidad na ibenta ito ng tingian lalo kung ito ang magiging demand sa kanilang siyudad.
Samantala, para naman sa DA, hindi malabong maulit muli ang ganitong sitwasyon dahil paliwnag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., posible ito hanggat hindi pa naaamyendahang muli ang Rice Tarrification Law.
Sa ilalim kasi ng batas na ito, walang kapangyarihan ang NFA na magbenta ng kanilang buffer stock sa mga pamilihan o sa kahit anong paraan maliban na ibenta ito sa departamento.
Ani Laurel, patuloy ang kanilang paghiling na mabigyang muli ng kapangyarihan ang NFA na magbenta sa mga pamilihan para mapaikot ang mga stock nila at hindi naiipon sa mga warehouses sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kapag nagyari umano ito ay kakayanin na ng departamento na mailagay sa stable na mga presyo ang mga bigas ng tuloy tuloy at wala nang pangangailangan pang maganunsyo muli ng food security emergency for rice.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang distribusyon ng 1000 sako ng bigas dito sa San Juan City at inaasahan naman na hindi dito matatapos ang magiging bentahan ng mga NFA rice dito sa siyudad.