-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Hinamon ni Sen. Cynthia Villar ang mga nagpapakalat ng mga ulat na mayroon umanong mga magsasaka na nagbebenta ng P8 hanggang P10 kada kilo ng palay na patunayan ang kanilang mga pahayag.

Ang pahayag ay ginawa ni Villar sa ginanap na launching ng Isabela Rice Competitiveness Enhancement Fund na dinaluhan ng libu-libong mga magsasaka.

Inihayag ni Villar, na siyang chairperson ng Senate committee on agriculture, na lahat ng mga nagsasabi na mababa ang bentahan ng palay ay kanyang tinawagan ngunit wala naman umanong masabi sa kanya.

Hinamon din niya ang mga magsasaka sa Isabela na kung may nagbebenta ng siyam hanggang P10 kada kilo ng palay ay siya na ang bibili upang makamura siya ng bigas.

Bukod kay Villar, dumalo rin sa okasyon si Agriculture Sec. William Dar.