Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na magsisimula na silang mag benta ng murang bigas ngayong buwan ng Enero na tinatawag nilang ‘Sulit Rice’ at ‘Nutri Rice’, kabilang ‘yan sa kanilang ‘Rice-for-all’ program.
Layon ng DA na pababain ang presyo ng bigas bilang tugon sa mga Pilipinong umaaray na sa presyo ng bigas.
Kung saan ang kasalukuyang presyo ng well-milled rice o mga premerang klaseng mga bigas sa kadiwa store ay aabot ng P40 per kilo na target ng ahensya na mapababa mula sa P38 hanggang P39 per kilo.
Aarangkada ang naturang programa sa buong Metro Manila sa mga piling kadiwa center, pamilihan at estasyon ng tren.
Samantala, tiniyak ng ahensya na ang ‘Rice-for-all’ program ay patuloy na magbibigay ng murang bigas at supply kahit pa sa banta ng La Niña na asahang magiging balakid sa mga magsasaka sa unang quarter ng taong 2025.